Pagbukas ng pangalawang lagusan ay bumungad sa kanila ang napakaganda at napakataas na palasyo ng Moonatoria, sa daanan palang nakakatawag-pansin na ang katubigan na nagpapalibot sa kaharian, tanging ang malapad na daanan lang ang naghahati sa katubigan na malinaw at nililiguan ng mga mapuputing gansa. May mga isda doon. Maraming ornamentong halaman at bulaklak sa paligid. Malawak ang harapan ng palasyo, at atraksiyon nito ang magandang mukha ng palasyo. Napakaganda sa labas, ano pa kaya ang sa kaloob-looban niyon? Kung ikukumpara ang kagandahan ng palasyong ito ay malubhang nakakahigit ito sa nakararami. Pinakaprestihiyoso!
Pagdating nila sa tapat ng pintuan ng palasyo, sinalubong naman sila ng panibagong kawal na yon naman ang maghahatid sa kanila patungo sa harap ng hari. Nagpaiwan ang mga kawal na kanina ay nag-aaligid sa kanila, ngunit pumalit naman ang maraming kawal, binabantayan sila buong oras at ano mang oras ay handa silang tangkaing patayin kaya't ayosin lang nila Matar ang kanilang kilos baka Hindi magustuhan ng hari, baka isang pitik lang ng daliri, ubos sila.
Binuksan ang pintuan ng dalawang kawal para sila ay papasukin. Nakita nila ang hari, na nakaupo Sa isang pilak at malaginto ang kinang. Parang nababalot ng dyamante at kworts ang buong paligid ng trono ng hari. At ang mga kagamitang makikita doon ay parang yari sa mga ginto't pilak. Napakaganda ang dayademang nakasuot sa ulo ng hari, namay palamuting hiyas na mamahalin. Siya si Harthur, ang hari ng Moonatoria. Mabagsik siya na hari, marami na siyang nasakop at napatay na hari. Siya ang tanging anak ng haring si Hedromus. Noong natalo ni Xerxez ang ama ni Harthur ay siya din agad ang nagmana sa lahat ng pagmamay-ari ng ama. Pinamunuan niya ito at pinayaman ng pinayaman at hanggang sa naging makapangyarihan na sila. Naagaw nila ang buong konteninte ng Moonatoria at balak pa nilang lusubin ang iba pang kaharian at ang mga bansa. Katabi ng hari ang asawa nito, at reyna ng Moonatoria, balot-na-balot siya ng mga alahas at halos dinadamit na niya ang mga magagandang hiyas sa katawan. Siya naman ay si Reyna Azonia. Malaki at agaw pansin ang kanyang korona, dahil sa ubod ng ganda at kaibig-ibig. Ngunit hindi lang yon, ang reyna ay napakaganda at nakakahalina, may malagintong buhok at mapupulang labi, palaging magara ang suot niya, ayaw niya na magmukhang polube o magmukhang pangit sa mata ng mga tao kaya para makuha niya ang pansin ng mga tao ay nagsusuot siya ng mga bagong stelo na pinapagawa niya sa mga embroyderia niya. May sampung mananahi siya at taga desinyo ng mga damit, at dalawang mga bihasa sa pagpapaganda.
. May anak na ang reyna, isang babae na ngayon ay umiibig narin. Prinsisa at ipinanganak na kakambal na ang kagandahan. Siya si Whyte. Palaban na bata at mahilig makipagsapalaran. Kaya niyang makipaglaban, mahal na mahal siya ng kanyang ama kaya't lage silang nagsasama at nag-uusap, kaya siya natotong makipaglaban at makipagdefensa sa sarili iyon ay dahil tinuturuan siya ni Harthur kung paano makipaglaban at iligtas ang sarili kung may kapahamakan na haharapin. Sa katunayan niyan, si Harthur ay hindi nakakapagbibigay ng anak sa asawa, yan din ang dating reklamo ng mga asawa niya noon, kaya't tinaksil siya't naghanap ng bagong asawa, ang mga asawa ni Harthur. Baog siya na hari kung baga! Hulaan nyo kung paano nagkaanak sila ni Azonia. Mautak ang reyna, yan nalang ang dapat paniwalaan.
"Mahal na hari, nandito na ang besita mo," Salubong ni Wadroth. "Wag po kayo mangamba sapagkat siniguro na naming hindi sila makakagat. Inalisan na namin sila ng mga ngipin."
"At mukhang hindi nakakatakot ang mga mukha. Matatawa lang po kayo!" Saad naman ni Esthanef. Suminyas na man ang hari na patunay na pinapayagan niya na papasukin ang mga bisita. Agad naman kumilos ang mga kawal sa pagbukas ng isang mataas na pintuan.
Sa malayo pa lang alam na ni Harthur kung sino ang paparating na panauhin nila. Inisip ni Harthur na baka plano ni Matar ang humingi ng tulong sa kanila lalo't alam niya na kasalukuyang hinahamon sila ng Thallerion. "nakakadiri naman yang mga kasama niya, mahal ko! Pabulong ni Azonia sa kanya. "para ba silang mga may nakakahawang sakit." Pandidiri ni Azonia, at kumuha siya ng isang pandekorasyong pamaypay upang takpan ang kanyang ilong.
Nang makarating na sila Matar sa harapan nila pinigilan sila ng mga gwardya na naghatid sa kanila papunta sa loob ng kaharian ni Harthur.
"hanggang dito lang kayo sa linyang ito!" sigaw ng isang gwardya.
Nagsipasok ang mga kawal at pumunta sa harapan ng hari at reyna, sila'y nagsiayos ng paharap kina Matar upang bantayan ang kanilang mga kinikilos. May dumating din papunta sa bawat gilid ng palasyo, at ang huli ay sa likuran nila Matar. May mga hawak itong pana. Tanging ang nasa harapan lang nila Matar ang may hawak na panggala. Dumating din ang mga ipinagmamalaking pantas ng Moonatorian. Para saksihan ang magaganap na pag-uusap ng Moonatoria at ang Ossibuz.
Nang nasa ayos na ang mga kawal , doon palang nagsalita ang hari ng Moonatoria. "Kumusta na Matar?" Bati ni Harthur. "Tila yata pinadpad kayo ng masamang hangin dito sa kaharian." Mabalasik na pagkakasabi ng hari at biglang tumayo ang malaabong liyon at mabalahibo angkop sa klima ng lugar nila, umungal ito na parang nangungusap kaya nagulat ang mga kasama ni matar ngunit nang himasin ito ng hari tumahimik ito at naupo habang nakatitig sa mga panauhin. "Ano ang inyong sadya't naparito kayo?" Tanong ng hari. Ngunit alam na niya kung ano ang sadya ni Matar dahil nga binalitaan na siya kanina, nagkukunwari lang siyang walang alam.
"Mahal Kong asawa, baka may mga masasamang binabalak yang mga tao na yan, laban sayo o laban sa ating lahat?" Pangungulimbat ni Azonia sa hari. Tinitigan ni Harthur ang mga kasama ni Matar isa-isa. Pagkatapos sinulyapan niya muli si Matar, at doon naman nagsimulang bumoses si Matar.
"Galing kami sa Thallerion," wika ni Matar, nakuha agad niya ang atensiyon ng lahat, at natahimik. Medyo kumunot-nuo ang mukha ni Harthur, at nagbanggaan ang mga kilay nito.
Nagkaroon ng mga usap-usapan ang mga pantas pati na rin ang mga tao na nandoon. Maraming nagtataka sa sinabi ni Matar tungkol sa sinabi niya.
"Thallerion!"
"ang bansang minsan ng tumalo sa ating bansa!"
"Hindi ito maganda!"
"Mahal na hari, kung hindi mo masasamain, ang taong ito ay taga ossibuz ngunit bakit tayo maniniwala na galing sila sa Thallerion na balita natin, meron Silang kasalukuyang hidwaan." Sabi ng Isa sa mga pantas doon.
Tumaas lamang ang kamay ni Harthur na nagpapahiwatig lang na tumigil muna sa pagsasalita.
Nang makita ng lahat ang sinyas ni Harthur, sila ay tumigil sa pagsasalita, ngunit patuloy parin ang kanilang mga kuro-kuro at nagbubulungan. Kaya nang magkaroon na ng katahimikan pinatuloy niya ang salaysay niya. "Subalit, pinarusahan nila kami dahil sa paglabag namin sa kasunduan, ang huwag pumasok sa lupain ng Wendlock kailanman. Pumunta kami sa kaharian nila para makipag-usap at humingi ng tulong subalit, itinakwil nila kami at pinarusahan. Oo, may hidwaan kami ngunit.... Hangad lang naman namin ay karagdagang pagkain at gamot dahil laganap na sa amin ang taggutom at sakit." Pakunwaring naging malungkot ang mukha ni Matar at bumubuntong-hininga. "Sabi nila, tutulungan lang daw nila kami, kung- " tumigil ito ng saglit. "Kung susunod kami sa isang kondesyon, isang mabigat na parusa ang ibinigay sa amin, iyon ay ang pumunta sa kaharian mo, Harthur. May sadya sila kung bakit kami naririto ngayon sa harap nyo, iyon ay dahil may gusto silang ipaalam sayo, isang hudyat ng paghahamon!" Nagulat ang lahat.
"Hinahamon tayo ng Thallerion?" Sabi ni Azonia na tila naglalaho ang galak. Tahimik lang ang hari na nakikinig.
"Ang alam ko… kasalukuyan kayong hinahamon ng Thallerion, ano ang nangyari sa alitan ninyong dalawa?" pagtataka ni Harthur.
"Hindi kaya isa itong patibong, mahal na hari?" sabi ng isang pantas doon.
"Yon din ang iniisip ko." Sagot niya doon sa isang pantas at pagkatapos, tiningnan niya si Matar. "Napaka-imposible ng ganitong kaganapan, tila yata pangbata lang ang hidwaan ninyo?"
"Sinasabi ko na nga ba kahina-hinala ang mga taong yan!" sumbat ni Azonia. "Hindi dapat natin pagkatiwalaan ang mga taong yan!"
"Kaya ngayon, ipaliwanag mo sa akin kung ano ba talaga ang pakay mo dito sa kaharian ko?"sabi ng hari.
"Sa katunayan niyan, ang hudyat na ito ay ibinigay sa amin, isa't kalahating linggo na ang nakakalipas. Lulusob sila sa inyo at ito ang katibayan." Lumingon si Matar kay Laniro. At agad naman na ibinigay ni Laniro ang hawak-hawak niyang hudyat.
"Hudyat?" Gilalas ni Azonia. "Y-yan ba ang hudyat?"
"Paano mo mapapatunayang sa kanila nga galing ang hudyat nayan? O baka naman, gawa-gawa nyo lang iyan at inbento! Alam Kong naghahanap lang kayo ng pagkakataon, at marahil pa nga nagmamanman kayo ngayon, para makapagsamantala sa amin, tama ba ako?" Paghihinala ni Harthur.
"Ma-mahal na hari, huminahon kayo, sapagkat nagkakamali po kayo." Dagling sagot ni Matar. "Tingnan nyo ang hudyat na ito, at ang pinagsulatang ito. Hindi ba't tanging ang Thallerion lang ang may ganito at sila lang ang nakakagawa ng ganitong sulatan. Maski man kayo'y walang ganito? At isa pa sa patunay, nilagdaan ito ng hari ng Thallerion." Pagpapaliwanag ni Matar. "Kung hindi kayo naniniwala, hawakan nyo, tingnan at kilatising maige. Hindi kami nagsisinungaling." Paghihikayat nito.
"Mahal Kong asawa, natatandaan ko ang bagay na'yan!" Mataginting na pagkakasabi ni Azonia. "Ganyan na ganyan din ang mukha ng sulatan nang minsa'y dinalhan tayo ng mensahi galing sa Thallerion, yan ang ibinigay sa atin. Walang duda, sa kanila nga galing ang bagay nayan!" Pag-aalala ni Azonia.
"Kilala din namin ang bagay na'yan, mahal na hari." Sabi ng mga pantas.
"Nakakapagtataka naman, ang Thallerion ay hindi gumagamit ng ibang panauhin at lalong hindi ang kaaway! Si Cathark lamang ang kanilang inuutusan." Sabi ni Harthur, nabigla si Matar at medyo kinabahan ang mga kasama ni Laniro. Tinutukan ni Harthur si Matar at hinahanapan na sila ng mga masasamang reaksiyon at mga kahina-hinalang sinyales sa mga kilos nila. Para na silang tinutuka ng mga mata ng hari. Nakakakaba! Subalit pigil na pigil parin sina Matar, kaya agad na sumulong si Matar para panindigan at mananggala ng mga kasinungalingan.
Next chapter will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!If you find any errors ( broken links, non-standard content, etc.. ), Please let us know < report chapter > so we can fix it as soon as possible.