The Legend of the Constellar King

Chapter 141: Tagalog


***

Mahal ni Zeri ang paring si Covinnther, kaya nasasaktan din siya sa tuwing binabatikos ng mga pantas ang pari sa mga gawa nito at mga ideya. Sa takot ng mga pinuno sa simbahan, pati na sa ibang simbahan, na baka balang araw tuluyan ng mababago ang isip ng mga tao, at lalong mawala ang pananampalataya ng mga tao sa relihiyong Crux. Dahil sa impluwensya ni Covinnther marami ang tagasunod at tumatanggol sa kanyang kanyang mga gawa, sa pangunguna ni Zeri.

Nagalit ang mga pinuno ng simbahan, dahil sa halip na turuan ng pang relihiyon ang mga tao ay nahuhumaling na sila sa mga karunungan ni Covinnther. Kaya ipinalabas nila na merong relasyon si Zeri sa pari, kaya nasira ang pagiging pari ni Covinnther at tinanggalan ng karapatang magturo sa mga tao. At kinuha ang mga iniingatan na mga libro ni Covinnther at sinunog sa harap ng maraming tao.

Nagalit si Covinnther at nag-aklas ngunit humina narin ang kanyang impluwensiya sa takot ng mga tao na baka madamay sa parusa ng mga hari ng Cypriox. Nagkaroon ng matinding paglilinis ang ginawa ng tatlong hari sa Cypriox, May ilan na nililigpit ang mga tao na tagasunod ni Covinnther. Naging madugo at nagpatupad ng bagong sistema. Naapektuhan naman ang ibang pari kaya umaklas kasama kay Covinnther. Ngunit, ang ibang pari ay nagtraydor at sinabing gumagamit ng ipinagbabawal na mahika si Covinnther.

Pilit na pinapaalis si Zeri ng kanyang mga angkan sa tabi ni Covinnther ngunit nagtapat siya ng kanyang nararamdaman na mahal niya ang pari, kaya pati siya ay itinakwil na rin ng kanyang sariling angkan at mga magulang. Dahil doon, ang mga kasinungalingan ng mga pinuno tungkol sa relasyon nila ay tinanggap na lang ni Covinnther dahil wala narin dahilan para tanggihan pa niya ang nararamdaman ng dalaga sa kanya. Kaya, mas lalong nagalit ang mga tao kay Covinnther dahil umaasa pa naman sila na kasinungalingan lamang ang mga paratang ng mga pinuno.

Gayunpaman, naunawaan ng mga tapat na tagasunod ni Covinnther ang kanyang layunin, pero dahil sa mga patotoo ng mga traydor na pari ay naging matulis ang mga mata ng mga pinuno. Sabi nila, dinudumihan lamang ang banal na pangalan ng Cypriox ng isang paring hindi tapat sa pangako.

Sabi ni Covinnther, kahit na bumalik siya sa pagtuturo hindi parin malilinis ang mga matang humihila sa kanya pababa. Kaya, minahal niya si Zeri ngunit ang mga tayo na nakamasid sa kanila ay para bang nakakita ng taong merong ketong na sakit at ayaw mahawaan.

"Zeri, ingatan mo ang mga sekretong pormula na ito, anuman ang mangyari, ikaw at ang ating magiging anak, at ang mga tapat na tagasunod ko, huwag nyo kalimutan ang bagay na ito, balang araw ituro mo ito sa atin anak, ang lahat ng iyong natutuhan na itinuro ko sa iyo."

"Covinnther, bakit hindi na lang tayo magpakalayo-layo at mamuhay ng payapa?" Umiiyak si Zeri at alam niyang hindi titigil si Covinnther hangga't ang marahas na mundo ng Cypriox ay hindi niya ito naitutuwid.

"Tinanggap kita na maging asawa ko, dahil ang buong akala ko ikaw ang mas nakakaunawa kumpara sa mga taong humuhusga sa akin. At ngayon, sinasabi mong umalis at magpakalayo-layo?" Sabi ni Covinnther na nasasaktan sa sinabi ni Zeri. Lumuluhang niyakap ni Zeri ang pari na kanyang asawa at marubdob na dinaramdam ang kalungkutan nito.

***

Lumaban si Covinnther sa dektatorya ng mga hari at sa mga pinuno ng simbahan ng Cypriox para makamit ang hustisya na para sa kanya at sa mga pari na naapektuhan ng bagong sistema na pinatupad nina haring Wendzar, Hebronor at Balthazar.

Nadakip ng mga sundalo ang asawa ni Zeri at binilanggo at hinahabol sila ng mga sundalong tumutugis sa mga tagasunod ni Covinnther, namatay ang anak nila na si Marguel. Dahil sa takot at galit ni Zeri ginamit niya ang formula na sinasabi ni Covinnther na isang mapanganib kung hindi iyon maisagawa ng maayos, maaaring magbibigay ito ng buhay o kamatayan. Pumunta si Zeri sa anim na isla at kumuha siya ng mga bato alinsunod sa sulat ng panaginip ni Covinnther. Sa takot niya na mawala ang kanyang anak, ginamit niya ang mekanismong bato para mabuksan ang Teleportasyon na kailanman hindi pa sinusubukan ni Covinnther na paganahin ang mekanismong iyon.

May bumubulong sa isip ni Zeri ng mga sandaling desperadong nag-iisip kung paano niya maipaliwanag ang kasawiang palad ng kanilang anak. Ngunit mula sa mga bulong na iyon. Sinabi sa kanya ang mga direksyon kung paano niya muli mabubuhay ang anak ng pari.

Ang maitim na pusa ay nagpakita sa kanya sinusundan niya ito at naglaho sila sa mga isla nang gawin niya ang mga sinyal sa kamay na ibinulong sa kanya ng isang Entidad. At doon na nga nangyari ang nakakatakot na mahika na nagawa ni Zeri na nagpagimbal sa mga Cyprioxian. Gamit ang mga pormula na sinulat ni Covinnther mula sa kanyang panaginip, nagawa ni Zeri na buksan ang Teleportasyon, isang liwanag ang tumama sa himpapawid at lumiwanag ng nakakatakot na liwanag. Ginawang mali ang pagsagawa ng pormula kaya nagdulot ng nakakatakot na ambon at ulap sa kalangitan at lumabas ang isang Entidad na hugis trianggulo at nag-anyong hugis tao sa harap ni Zeri.

"Ako ang Entidad ng Triangulum."

***

Mula sa malayo, nakita ni Covinnther ang liwanag at alam niya na may kinalaman iyon sa formula ngunit ng makita niya ito, naunawaan niyang hindi tama ang nagawang pagsasaayos ng formula. Ito'y pagtawag ng isang masamang entidad.

At dahil sa pangyayari, ang mga hari ay nagdesisyon na patayin ang pari dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na mahika, natuklasan nila na ang dahilan ng paglitaw ng isang mapinsalang liwanag ay gawa ng mga imbensyon ni Covinnther. Pinako sa krus si Covinnther, habang si Zeri ay nakatingin lamang na pinapako ang asawa, at hindi makilala ng mga tao, na siya ang asawa ng pari.

At pagkatapos noon, tinutugis na rin nila si Zeri na dinududahan ng ilang mga sakrelihiyo na may alam din ito tungkol sa mga sekreto ni Covinnther. At di nagtagal nagsimula ang pangalang Anino ng Crux na kumalat sa labas ng bansang Cypriox. Si Zeri ay naging reyna ng Anino ng Crux.

Lumaki si Marguel ngunit hindi ito naging isang normal na tao, wala siyang emosyon na ipinapakita sa mga tao, at gaya ng ama, minana ng anak ang katalinuhan ng ama. Dahil yon sa kapangyarihan ng Entidad, na bumuhay sa patay na sanggol na naagnas na at mabaho na bangkay ng sanggol.

Dahil sa mga rituwal na natutunan ni Zeri, binubuhay niya ang patay na asawa para makapiling ni Marguel ang tunay na ama kahit sa temporaryo at limitadong oras ng paulit-ulit. Buhay na buhay ang ama na si Covinnther sa mata ni Marguel ngunit isa nalamang iyong katawan na gawa ng mahika. Isang malamig na ilusyon, na paulit ulit na pinapakita kay Marguel.

Kaya ito ang dahilan kung bakit umalis si Zeri sa Cypriox at iniwan ang lahat at nagsimula ng panibagong buhay, naging reyna siya organisasyong tinatawag na Anino ng Crux.

"Bakit ang tagal mo?" Sabi ni Reyna Zeri. "Lumalakas na ang bagyo ng disyerto."

"Abala ako sa pagpapadala ng hudyat sa palasyo ng Thallerion."

"Bakit mo naman nagawa ang bagay na yun, akala ko ba ang anak lang ni Xerxez ang ating pakikialaman, bakit mo pa ginulo ang mga tao doon?"

"Kayo ang may plano na tawagin ang Entidad ng Draco, kaya hindi mo na yon dapat tinatanong sa akin." Ang totoo, plano ni Marguel na alamin kung sino talaga ang Orion sa Thallerion, May kutob siyang si Xerxez dahil ng guluhin niya ang Thallerion, walang ibang presensya o enerhiya na nagparamdam sa Thallerion, ngunit hindi rin niya masundan ang Orion kung nasaan na ito.

"Hindi ko yun plano, tanungin mo ang Entidad ng Triangulum." Sabi ni Zeri.

***

Ang Entidad ng Triangulum ang unang Entidad na hindi na kailangan gumamit ng panaginip para makausap ang tao na gusto niya kausapin. Dahil sa formula na natuklasan ni Covinnther at pinag-aralan, ngunit ang totoo, ginamit ang pagkakataon ng Entidad ang katalinuhan ng pari na si Covinnther para analisahin ang formula at madiskobre ang totoong hiwaga nito. Subalit, naunawaan ng pari ang resulta ng pormula na isang mapanganib kaya nabigo ang Entidad na makalaya sa soul realm. Ngunit, dahil nagkaroon ng pagkakataon na magamit ng triangulum ang asawa nito na si Zeri kaya matagumpay na nakalabas siya sa barrier doon sa soul realm. Deretso na niyang nakakausap sa isip ang mga taong gusto niyang kausapin, maliban na lang sa mga tao na hinirang ng ibang entidad.

Ngunit hindi parin siya makakagamit ng kanyang kapangyarihan kung hindi siya gagamit ng katawan ng tao, wala siyang pisikal dahil isa lamang siyang kosmikong kaluluwa sa kalawakan, at ang kaluluwa sa mundo ay magkaiba sapagkat may mortal na katawan ang mga kaluluwa sa mundo. Iba-iba ang wangis ng mga entidad, may Mukhang tao, May parang mga hayop, May mga parang kagamitan na mas madali maunawaan ng mga tao kung ano ang kanilang kapangyarihan at halaga sa kalawakan noon.

Triangulum entity: Escaped from soul realm

Kahit noon pa man, ang Triangulum entity ay May kakayahan na kontrolin ang tatlong enerhiya sa kalawakan: ang Dark matter energy , space energy through dimension energy at necrocosmic energy. Sa pangangalaga sa kailaliman ng kalawakan natuklasan niya ang mga planeta na nakalimutan at napabayaan ng liwanag, gamit ang kanyang kakayahan sa pagbukas ng mga dimension, at ang pagbuga ng mahika para sumabog ang mga patay na planeta o mga bituin, marami siyang nakuhang impormasyon. Lahat ng mga karunungan na naiwan sa mga patay na planeta at mga bituin ay naiipon ng Entidad na ito na naging sandata niya para gumawa ng mga kakaibang kapangyarihan at mahika.

At ngayon, ang mga karunungan na yon ay nailalahad niya sa mga tao na kanyang pinili para maisakatuparan ang kanyang mga plano sa ibabaw ng mundo. Ang mga Planeta na nilibingan ng mga sinaunang kosmikong nilalang na merong kakaibang talento at kaalaman ay pareho niyang mahihigop. Kaya masasabing matalino ang Entidad na ito kumpara sa ibang Entidad kaya nakagawa siya ng paraan para makatakas sa soul realm. Ang realm na ito ay mundo ng mga patay na entidad na naging kaluluwa. Wala silang kakayahan na makaalis ng kusa sa realm na yon, kaya nagpadala siya ng isang formula sa isang pari na matalino na kaya umunawa sa mga komplikadong pormula para maisagawa ng lalaki na si Covinnther ang mga mahika na magpapalaya sa kanya mula doon sa soul realm na nakaprograma ang kanilang oras. Ngunit, naunawaan ng pari na mapanganib ang bagay na iyon matapos nitong mag-analisa ang formula, kaya ginamit niya si Zeri para isa gawa ang ritual at gamit ang mga sayantipikong formula at mala-kosmiko na kasulatan ang pinagmulan ng mga salita. Kaya gumana ang Teleportasyon, ngunit sa mundo ng tao, kailangan merong mga pisikal na bagay para gumana ang Teleportasyon, ang mga mekanismo na gawa sa mga bato at bakal na lumilikha ng enerhiya ay maaaring gumawa ng malakas na liwanag na tatama sa langit at kapag maisaayos na ang mga hiyas na bato mula sa Anim na isla, lalakas ang enerhiya na nagpapagana sa formula na maglilikha ng nakakatakot na Teleportasyon o pagbukas ng dimension, hindi tulad dati ang Entidad na kahit sa isip niya nakakapagteleport agad siya pero sa mundo ng tao kailangan niya umasa sa likas ng kalikasan, sa tulong din ng karunungan ng tao at pisikal na kakayahan.

Karibal niya ang Crux noong una paman dahil gawa sa liwanag at puro ang likha ng Crux, Samantalang ang triangulum ay mula sa mga patay, at madilim na mahika na nahigop nito mula sa mga patay na planeta at bituin. Kaya, siya lang ang nakakaalam sa mga tirahan ng mga halimaw na nabubuhay na nasa kadiliman at mga nakalimutan na mundo, May mga planeta na hindi niya winawasak, kung meron siyang makita na mga nakakatakot na nilalang na nabubuhay pa at walang impluwensya ng liwanag ay binubusog niya ito ng maitim na enerhiya para lumakas ang mga nakalimutang mundo, dahil magagamit niya iyon, gamit ng kanyang kapangyarihan na lumikha ng Teleportasyon, naipapalabas niya ang buong lupon ng mga nakakatakot na nilalang.

Nang binuhay nila muli si Marguel, hindi ibig sabihin nananatili ang pagkatao ni Marguel, kundi inilagay din niya ang masamang enerhiya mula sa mga patay na planeta na pinupugaran ng mga masasamang nilalang. At pinili niya Marguel bilang hinirang na susunod sa kanyang utos para maisakatuparan ang kanyang mga plano sa lalong madaling panahon.

Alam ng Entidad ng Triangulum na tahimik na nagmamanman ang Orion, at ni hindi nakikipag-usap sa mga mortal na tao, ngunit naniniwala siya na baka si Xerxez na ang napili ng Orion. Ngunit ramdam din niyang mang-gugulo ang Entidad ng horologium. Kaya sa puntong ito, kumikilos na ang organisasyong Anino ng Crux para maparami ang mga tagasunod nito at maimpluwensyan ang mga tao na gumamit ng mahika. Upang mahanap niya ang mga hinirang nito ng sa ganun, makukuha ang loob nito para sa malalim na plano niya.

At dahil nababalot ang katawan ni Marguel ng maitim na enerhiya kaya napapagamit niya ang kanyang abilidad na magteleport sa pamamagitan ng mga sinyal o ritual. Tinulungan niya ang organisasyong Anino ng Crux na gumawa ng nakakatakot na Teleportasyon para sa malawakang pag-impluwensya sa mga tao sa ibang sulok ng mundo. Ngunit, dahil bigo sila na mahanap ang batang nakasulat sa propesiya, ipinagagawa niya ang pagtawag sa Cetus entity na magaling humanap ng mga tao o bagay ayon uri ng enerhiya na nasakop ng tao. Alam ng Entidad ng Triangulum na merong spesyal na katangian ang bata sa propesiya na naiiba sa lahat ng tao. Doon na nga, nagbigay siya ng panibagong formula at naresolba ni Marguel ang mga bagay na iyon na nagdulot ng maraming buhay na isinakripisyo, mga tao kapalit ang pagbukas ng dimension para tawagin ang Cetus entity na malaki at dambuhalang entity ngunit sa tulong ng Teleportasyon , ginawa itong maliit na parang kasing tangkad ng tao.

Hindi nga sila nagkamali, natunton ng Cetus entity ang kinaroroonan ng bata, at yon ay si Maximus. Ang anak ni Xerxez na hari ng Thallerion. At ngayon, ang Cetus entity ay lumalangoy sa karagatan patungo sa anim na isla kung saan patungo ngayon sina haring Xerxez at ang representante ng haring si Wendzar ng Cypriox na si Hyushen.

Habang si Marguel ay naupo na sa harap ng mga imbensyon niya, sinimulan na niya kontrolin ang mekanismong bumubuga ng malakas na sinag ng enerhiya na tumatagos sa kalawakan. Ngunit merong harang na hindi makita ang bumabangga nito sa himpapawid, kaya gusto nilang sirain iyon upang lumakas ang Teleportasyon na kanilang magagawa , ngunit isa yong harang sa planetang earth upang hindi makapasok ang isang uri ng Entidad na kung tawagin, Anti-life Entidad.

Kapag kasi mabutas ang barrier na yon, iniisip ng Triangulum entity na pwede niya buhayin ang dati niyang katawan upang hindi na siya umaasa sa mga mortal na tao, upang sa ganoon , madali niya matawag at buhayin ang iba pang Entidad na kakampi niya noong unang panahon doon sa malawak na uniberso.

Kilala niya ang mga kalaban dati, ang Crux na kumukontra sa kanyang mga gawa at pagbabawal ng pagbukas ng mga dimension lalo na't ang kadiliman ng kalawakan ay maaaring sumira sa balanse ng kalawakan kung ito'y gagalawin ng Triangulum. Ngunit, pati sa mortal na mundo ng mga tao, ganun parin ang papel ng Crux entity, inaagawan parin siya ng atensyon. Ang Orion na ngayo'y tahimik na nagmamasid sa mundo ng tao, ngunit kahit sa kanyang katahimikan nakilala parin ito ng mga tao. Kahit na alam ng Triangulum na merong kanya-kanyang plano ang bawat Entidad sa mundo ng tao, pilit parin niya binuo ang digmaang natapos sa isang masalimuot na katapusan— ang namatay ang lahat ng mga Entidad sa isang iglap.

Ngayon isa na lamang silang Entidad na aasa sa tao para magamit ang kanilang mga abilidad. Kahit hindi niya aminin, nagagalit siya sa ganitong situwasyon, kaya gagawa siya ng paraan upang maibalik ang dati. Ngunit sa mundo ng mortal, hindi matutupad ang pangarap sa isang isip lang kundi sa gawa at plano.

If you find any errors ( broken links, non-standard content, etc.. ), Please let us know < report chapter > so we can fix it as soon as possible.


Use arrow keys (or A / D) to PREV/NEXT chapter